Chicken vs Me
And yes, I finally gave it a try.
Pagkatapos ang 3 round ng leg-thigh part ng manok na nakain ko kasabay ang 3 order ng kanin (Yes, you've read it right, 3 order ng kanin! Hahaha. I know, I know. Growing kid ako eh, bakit ba? :P) I ended up sleeping with allergies. Nakalimutan kong allergic pala ako pag nasobrahan sa manok.
Ang nabayaran ko, Php199 (chicken all you can) + Php28 (botomless drink) + Php32 x 3 = Grand total of Php 323! Disappointed ako dahil wala silang buko pandan. Haha. Hindi pa ako nabusog, gusto ko pang humirit ng dessert. :P
Naumay lang naman ako sa manok. At nangati kinagabihan. Downside lang ng buong Chicken-All-You-Can experience ko is that, nakakaumay yung manok ng Max's. Why? Kasi walang gravy yung chicken nila. Ketchup lang or hot sauce ang katapat. Sa mga tulad ko na di kumakain ng ketchup, mabilis talagang mauumay. And yung white meat itself ng manoy na walang lasa, instant umay. Best suggestion ko, stick with the leg and thigh part. Mas may flavor kasi yung may buto part, tsaka mas maraming portion ang skin (wooo cholesterol, haha).
Sa mga gustong humabol. Until July 10 pa ang chicken umayan! Daily 6-10PM!